2 TULAK KALABOSO SA PARTY DRUGS, SHABU

TINATAYANG 160 piraso ng “Molly” isang uri ng party drugs na may peligrosong epekto, at 20 gramo ng shabu ang nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drugs Enforcement Agency, katulong ang PNP-NCRPO, sa inilunsad na anti-narcotic operation sa #36 Hermosa St., Brgy. San Roque, Pateros.

Ayon kay PDEA spokesman, Director Derrick Carreon, bandang alas-7:00 ng gabi noong Linggo nang magkasa ng buy-bust operation ang PDEA Regional Office NCR-Southern District Office; R2, NCRPO; SPD-DID, at Pateros Police Station.

Sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PDEA Director General Wilkins Villanueva, kinilala ang dalawang nadakip na sina Stephen Yap Jao, 43-anyos na Filipino, at Allen Custodio, binata, 29-anyos.

Kasama sa mga ebidensyang nakumpiska ng mga awtoridad ang 20 gramo ng shabu, 160 piraso ng Molly, isang high potent party drugs na gawa sa laboratory created chemicals na kinokopya ang epekto ng methylenedioxymethamphetamine, o lab-created chemicals o MDMA; o ecstasy, isang laboratory-made drug na nasa kapsula; isang weighing scale, identification cards, drug paraphernalia at iba’t ibang makina na ginagamit sa paglikha ng pekeng credit cards at ATM cards. (JESSE KABEL)

78

Related posts

Leave a Comment