2 TULAK NASABAT SA NAVOTAS

ARESTADO ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang magkahiwalay na buy-bust operation sa Navotas City nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Ayon kay Navotas Police chief, P/Col. Mario Cortes, nakatanggap ng impormasyon ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y pagbebenta ng shabu ni alyas “Pilay”, 48, sa lungsod kaya isinailalim nila ito sa pagmamanman.

Pagkaraan ay ikinasa ng SDEU, sa pangunguna ni P/Capt. Luis Rufo Jr., ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong alas-2:19 ng madaling araw nitong Miyerkoles sa Lourdes Compound, Brgy. Daanghari.

Alas-2:12 ng madaling araw nang matimbog naman ng kabilang team ng SDEU, sa buy-bust operation sa Azucena St., Brgy. Tanza 2, si alyas “Toto”, 46, ng lungsod.

Ayon kay Capt. Rufo, nakuha kay ‘Toto’ ang tinatayang 5.78 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P39,304, at buy-bust money.

Inihahanda na ang pagsasampa sa dalawang suspek ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (MARDI INFANTE)

30

Related posts

Leave a Comment