20% DISCOUNT DEADMA SA GRAB, TAXI; LTRFB PINITIK

CAB32

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI umiiral ang batas ukol sa 20% discount sa pasahero ng mga senior citizens, people with disabilities (PWDs) at mga estudyante dahil hindi umano sumusunod dito ang mga transport network companies (TNCs) tulad ng Grab.

Ito ang dahilan kaya kinalampag sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ipatupad ang batas na ito sa mga TNCs.

“The Grab units and other TNVS units of other transport network companies should give the seniors, PWDs, and students the fare discounts because they are public utility vehicles by virtue of the certificates of public convenience and provisional authority to operate that are issued to them,” ani Iligan City Rep. Frederick Siao.

Maging sa mga taxi ay hindi umano sinusunod ang batas na ito kahit matagal na itong umiiral ukol sa prebilihiyo ng mga nabanggit na sektor ng lipunan kaya dapat aniyang ipatupad ito.

“LTFRB must fairly apply the laws and regulations on fare discounts to all public transport utilities. No special treatment, sacred cows, or exceptions on this issue. Pati taxis at FX ay public utility vehicles so obligado din silang magbigay ng fare discounts,” ayon pa sa kongresista.

Sa ngayon ay tanging sa mga pampasaherong jeep at bus, kasama ang mga UV express, ang nagbibigay ng discount sa mga matatanda, may kapansanan at mga estudyante gayung tulad nila ay mga public transport ang mga Grab at taxi.

Kung gusto talaga  ng LTFRB na maipatupad ang batas ay maraming paraan para gawin ito tulad ng software na ilalagay sa mga pampasaherong sasakyan upang hindi malabag ang fare discounts law.

 

415

Related posts

Leave a Comment