2,500 JOB VACANCIES SA ‘KALINGA SA MAYNILA’ PESO JOB FAIR

MAGANDANG Balita sa lahat ng Manileño na naghahanap ng trabaho. May kabuuang 2,500 bakanteng trabaho ang inaalok ng pamahalaang lungsod ng Maynila ngayong Miyerkoles, Setyembre 25, 2024.

Nabatid na ang oportunidad na trabaho ay iaalok sa “Kalinga sa Maynila PESO Job Fair” bilang isa sa highlights ng weekly regular interaction forum na isinasagawa nina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo sa mga barangay.

Sinabi ni Lacuna, ang nasabing job fair ay bukas sa lahat ng high school graduates, college level, college at tech/voc graduates at gaganapin dakong alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali sa panulukan ng P. Paredes at Delos Reyes Streets, Sampaloc, Manila.

Napag-alaman naman mula kay Public Employment Service Office – City of Manila chief Fernan Bermejo, ang nabanggit na job fair ay isasagawa sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment – National Capital Region at DOLE- NCR Manila Field Office.

Pinapayuhan ang lahat ng interesadong mga aplikante na magsuot ng casual attire kapag nagtungo sa job fair, magdala ng 10 kopya ng resume, sariling ballpen at sumunod sa umiiral na public health protocols.

Nagpahayag din ang lady mayor sa lahat ng applicants ng ‘best of luck’, at sinabing maraming beses na ang applicants at agad na hired on the spot (HOTS) at masayang umuwi dahil may hanapbuhay na sila. (JESSE KABEL RUIZ)

60

Related posts

Leave a Comment