3 ARESTADO SA SHABU

ARESTADO ang isang adik at dalawang suki niyang tulak sa buy-bust operation noong linggo ng gabi sa Navotas City.

Magkakasunod na ikinarsel ang hinihinlanag mga drug pusher na sina Allan Reyes, 40, at Rico dela Paz, 53, at ang umano’y adik na si Marlon Ilano, 42-anyos.

Ayon sa ulat, alas-7:15 ng gabi nang isagawa ang operasyon laban sa mga suspek sa J. Alonzo St., Brgy. Daanghari, Navotas City na nagresulta sa pagkakadakip sa mga ito at nakumpiskahan ng isang sachet ng shabu at P300 buy-bust money. (ALAIN AJERO)

174

Related posts

Leave a Comment