3 CHINESE NATIONALS HULI SA KALAHATING KILO NG SHABU

ARESTADO ang tatlong Chinese nationals makaraang mahulihan ng tinatayang kalahating kilo ng umano’ty shabu na nagkakahalaga ng P3,400,000, sa inilatag na anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Shanghai Building, Brgy. Balibago, Angeles City noong Lunes, Hulyo 1, 2024.

Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, isang sting operation ang ikinasa ang kanyang mga tauhan mula PDEA Region 3 Office, sa Barangay Balibago sa Angeles City.

Ayon sa PDEA Region 3 report nitong Martes, isinagawa ang buy-bust operation dakong alas-10:50 ng gabi sa Shanghai Building sa MacArthur Highway sa nabanggit na lungsod.

Kinilala ng PDEA ang mga naaresto na sina Bin Da, 23; Hei Xiao, 21, at Gua Xiao, 20, pawang mga residente ng Shanghai Bldg., Brgy. Balibago.

“According to the team leader, the suspects were extremely circumspect while transacting, and took them a month to arrange a drug deal with the suspects,” ayon sa PDEA Region 3, base sa pahayag ng team leader ng operasyon.

Bukod sa halos kalahating kilo ng hinihinalang shabu, nakuhanan din umano ang tatlo ng pitong mobile phones, susi ng kotse, at ang marked money na ginamit ng poseur-buyer sa nasabing operasyon.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (JESSE KABEL RUIZ)

41

Related posts

Leave a Comment