3 INDIBIDWAL ARESTADO SA ORGAN TRAFFICKING

ARESTADO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong indibidwal na sangkot umano sa organ trafficking sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Ayon kay NBI Director Jaime B. Santiago, nakatanggap ng reklamo ang NBI-NCR hinggil sa mga indibidwal na sangkot umano sa kidney organ trafficking. Bumibili umano ang mga ito kidney ng tao sa halagang P200,000.

Ngunit lumipat umano ng tirahan ang mga suspek hanggang sa matunton ng mga awtoridad sa Barangay Tungkong Mangga, San Jose Del Monte City, Bulacan.

Sa tulong ng Social Welfare and Development Office, nasagip ang siyam na mga biktima noong Hulyo 11, habang nadakip ang mga suspek na sina alyas “Angela”, “Marichu” at “Daniel”.

Samantala, tinutugis pa ng mga awtoridad ang lider ng sindikato na si alyas “Allan” na empleyado umano ng National Kidney and Transplant Institute.

Ang nadakip na mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 4 (h) ng Republic Act 11862 (Expanded Anti-Human Trafficking Act). (RENE CRISOSTOMO)

118

Related posts

Leave a Comment