3 PUGANTE NATIKLO SA MALABON

0

TATLONG wanted person ang nalambat ng mga awtoridad sa isinagawang magkahiwalay na joint operations sa Malabon City.

Ayon kay Malabon Police chief, Col. Albert Barot, dakong alas-12:00 ng tanghali nang magsagawa ang pinagsamang pwersa ng Warrant and Subpoena Section (WSS), sa pangunguna ni P/SMS Armando Isidro at 4th MFC RMFB-NCRPO, sa pangunguna ni P/Cpt. Ronilo Aquino, ng operasyon sa Gov. Pascual Ave., Brgy Catmon na nagresulta sa pagkakaaresto kay Richard Billones, 49, ng Blk. 15, Lot 8, Dagat-dagatan, Brgy. Longos.

Sinabi ni P/CMS Gilbert Bansil, hepe ng WSS, inaresto si Billones sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong Oktubre 30, 2020 ni Hon. Catherine Therese Tagle-Salvador, presiding judge RTC Branch 73, Malabon City, para sa kasong paglabag sa RA 7610 (child abuse).

Dakong ala-1:00 naman ng hapon nang dakpin ng mga operatiba ng WSS at 4th MFC RMFB-NCRPO si Ardee Remias, 21, malapit sa kanyang bahay sa Del Monte Ave., Brgy. Potrero sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Anna Michella Cruz Atanacio-Veluz, presiding judge, RTC Branch 169, Malabon City para sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Sa hiwalay na operasyon, bandang alas-2:00 ng hapon nang matimbog naman ng mga tauhan ng Sub-Station 5, sa pangunguna ni P/Lt. Joseph Alcazar, si Danilo Moreno, 40, sa Hasa-hasa St., Brgy Longos, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Ofelia Salgado Contreras-Soriano, presiding judge, Metropolitan Trial Court, Branch 55, Malabon City, para sa kasong illegal possession of bladed, pointed or blunt weapons (BP 6). (FRANCIS SORIANO)

 

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publicationโ€™s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment