3 TIKLO SA VALENZUELA DRUG BUY-BUST

0

SWAK sa kulungan ang tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos masakote sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City nitong Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ni P/Lt. Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela Police, ang mga arestado na sina Leandro Villegas, 36, company driver; Joel Solis, 40, scrap agent; at Joey Leccio, 29-anyos.

Ayon sa ulat ni SDEU investigator P/Cpl. Pamela Joy Catalla kay Valenzuela Police chief, Col. Ramchrisen Haveria Jr., dakong ala-una ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU, sa pangunguna ni P/Lt. Madregalejo, ng buy-bust operation sa harap ng Blk. 13, Milestone Subd., Brgy. Karuhatan.

Nagawang makipagtransaksyon ni P/Cpl. Maverick Jake Perez na umaktong poseur buyer, ng P500 halaga ng shabu kina Villegas at Solis.

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad lumapit ang back-up na sina P/Cpl. Noriel Boco at P/Cpl. Isagani Manait saka dinamba ang mga ito kasama si Leccio.

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang 6 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P40,800, buy-bust money, P1,000 cash, at dalawang cellphones.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (FRANCIS SORIANO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment