4 ARESTADO SA P6-M SHABU  

ARESTADO ang apat na katao, kasama ang isang babae, matapos makumpiskahan ng halos P6 milyong halaga ng shabu sa buy- bust operation noong Lunes ng gabi sa Navotas City.

Kinilala ang mga dinakip na sina Ronnel Ereno, 22; Randel Dela Cruz, 24; Sheila Eyana, 31, at Christopher James Aguilar, 29-anyos.

Ayon sa pulisya, nakaiskor ang poseur buyer ng halagang P10,000 ng shabu mula kay Ereno na nakipagtagpo sa undercover agent sa Togo St., Brgy. Tangos North dakong alas-8:20 ng gabi.

Nang iabot ni Ereno ang isang pakete ng shabu sa undercover agent, kapalit ng boodle money ay agad dinamba ng mga parak ang mga suspek.

Bukod sa isang pakete ng shabu, nakuha rin ng mga awtoridad sa mga suspek ang iba pang nakabalot na umano’y shabu na umaabot sa 855 gramo na tinatayang P5,814,000 ang street value.

Ang mga suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ALAIN AJERO)

132

Related posts

Leave a Comment