4 KALABOSO SA P1.7-M SHABU

KALABOSO ang apat katao matapos makumpiskahan ng ng aabot sa P1.7 milyong halaga ng umano’y shabu buy-bust operations noong Lunes sa mga lungsod ng Caloocan at Navotas.

Bandang alas-5:30 ng hapon nang isagawa ang operasyon sa kanto ng Sabalo at Sugpo Streets, Brgy. 8, Zone 1, Dist ll, Caloocan City kung saan nadakip sina Orlan Binarao, 25, ng 2760 Old Panadero St., Sta Ana; Joanna Marie Alonzo, 23, ng 2829 Javier St., Gagalangin, Tondo; at John Jendrix Tinagan, 28, ng 1567 Pedro Gil St., pawang ng lungsod ng Maynila.

Nasamsam sa mga arestado ang 210 gramo ng shabu na may halagang P1,360,000; P35,000 marked money na binubuo ng dalawang tunay na P1,000 bills at 33 piraso ng boodle money; tatlong cellphones; at isang Hyundai Gets (ZNZ-213).

Nabatid, ang ang operasyon ay follow-up ng mga operatiba sa buy-bust operation noong Hnyo 12 sa Cattleya St., Brgy. North Bay Boulevard North (NBBN), Navotas kung saan nakumpiska nila ang 219 gramo ng shabu sa naarestong anim na drug personalities.

Samantala, alas-10:45 naman ng gabi nang madamba sa operasyon sa R-10 Road, Brgy. NBBN, Navotas City si Jay-R Goyay, 18, ng Phase 12, Brgy. 188 Tala, Caloocan City, nang bentahan ng shabu ang isang pulis kapalit ng P500 marked money.

Nakuha sa pag-iingat ni Goyay ang nasa 50 gramo ng shabu na tinatayang P340,000 ang halaga at buy-bust money. (ALAIN AJERO)

94

Related posts

Leave a Comment