(NI ROSE PULGAR/PHOTO BY KIER CRUZ)
NASA 43 trucks ang nahakot na mga basura Huwebes ng hapon ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na iniwan ng mga deboto mula sa ruta ng prusisyon ng emahe ng Itim na Nazareno kamakalawa.
Ayon kay spokesperson MMDA Assistant Secretary Celene Pialago, pinagtulungan aniya ng mga street sweepers ng ahensiya, ilang kawani ng Manila City Hall, Department of Public Works ang Highways (DPWH), volunteers ng civic at religious group ang pangongolekta ng mga basura.
Aniya, karamihan sa mga basurang nakolekta ay plastic bags, food wrappers, cartons at water plastic bottles.
Sinabi ni Pialago nasa pitong trucks ang nakolektang basura mula sa Quirino Grandstand, na siyang sinimulan ng prusisyon.
Bukod sa Quirino Grandstand, nakakolekta rin ng mga basura sa mga ruta na dinaanan ng prusisyon at sa kabuuan ay nasa 43 trucks ang nahakot.
Tumaas aniya ang nakolektang basura ngayong taon sa ginanap na kapistahan kumpara noong nakaraang taon, na nasa 15 truckloads lamang na katumbas ng 385 na tonelada.
Mariing nanawagan si Pialago sa mga deboto at hindi deboto ng Black Nazarene, na magdala ang mga ito ng garbage bags sa susunod ng taon ng kapistahan para aniya sa tamang pagtatapon.
142