5 HOLDAPER SWAK SA REHAS

LIMANG hinihinalang holdaper ang nadakip ng mga tauhan ng Manila Police District sa follow-up operation sa Mel Lopez Boulevard (dating Road 10) sakop ng Port Area, Manila, iniulat ng pulisya.

Kinilala ang mga suspek na sina Jesus Nacion, 28, kapatid nitong si Jasson, 20; Arnie Nacion, 25, ang pinsan ng magkapatid na si Juandren Narvalte, 18. At isang 17-anyos na binatilyo, pawang mga residente ng 12th Street, Port Area.

Ang mga suspek ay nahaharap sa mga kasong robbery hold-up, physical injury at malicious mischief.

Batay sa ulat na isinumite kay P/Lt. Col. Ariel Caramoan, station commander ng MPD-Station 5, nitong Martes ng umaga nang masakote ang mga suspek sa Mel Lopez Boulevard, malapit sa Philippine Red Cross Building sa Port Area makaraang holdapin ang mag-amang sina

Manuel Santillan, 54, fish dealer, at Jerome Santillan, 20, estudyante, kapwa residente ng Malolos Avenue, Bagong Barrio, Caloocan City.

Pahayag ng mag-ama, habang naka-park ang kanilang sasakyan sa Mel Lopez Boulevard nang lumapit ang isa sa suspek at nagtanong kung sila’y bibili ng palo china (kahoy).

Nang umiling ang isa sa mag-ama ay humingi umano ng pera ang suspek habang nagsilbing look-out ang isa pa na armado ng patalim.

Isa sa mga suspek ang nagtangkang nakawin ang bagong biling digital na timbangan ngunit pumalag ang batang Santillan dahilan para siya bugbugin ng mga suspek.

Bunsod nito, napilitang tumakbo ang batang Santillan ngunit hinambalos siya ng suspek ang rear windshield ng sasakyan.

Nang makarating ang impormasyon sa ama ay agad itong bumalik sa lugar ngunit maging siya ay sinaktan din ng mga suspek at inagaw ang kanyang sling bag.

Bunsod nito, humingi ng tulong ang mag-ama sa barangay officia na naghatid sa kanila sa Baseco Police Community Precinct na sakop ng Station 5 at sa ikinasang follow-up operation ay nadakip ang mga suspek. (RENE CRISOSTOMO)

68

Related posts

Leave a Comment