5,000 PULIS IKAKALAT SA ELEKSYON SA MAYO 9

NASA 5,000 miyembro ng Manila Police District (MPD) ang idi-deploy sa iba’t ibang panig ng Maynila sa May 9 national and local elections.

Ayon kay P/Major Philipp Ines, hepe ng MPD-Public Information Office, umabot sa 12,000 augmentation force mula sa iba’t ibang ahensiya ang makatutuwang ng MPD sa pagbabantay sa darating na halalan.

Tiniyak naman ni P/Major Ines na nakalatag na ang security measure ng MPD para sa nalalapit na eleksyon.

Nakahanda na rin ang mga kagamitan gaya ng mga sasakyan ng MPD na maaaring gamitin sa hindi inaasahang mga pangyayari

Bawal umanong mag-day-off ang mga pulis at sila ay magdu-duty ng 12 oras kada shifting.

Kasabay nito, nanawagan si P/Major Ines sa publiko na maging mapagmatyag sa araw ng halalan.

Tiniyak ni P/Major Ines na hindi ipagkikibit-balikat ng MPD ang ano mang paglabag na mangyayari sa halalan, gayundin kung may intelligence report na may mga grupo na magtatangkang guluhin ang halalan. (RENE CRISOSTOMO)

82

Related posts

Leave a Comment