60% TAGUIG RESIDENTS TARGET MABAKUNAHAN

TARGET ng pamahalaang lokal ng Taguig City na mabakunahan ang mahigit 600,000 residente nito, mula sa populasyong aabot sa isang milyon, laban sa coronavirus disease.

Sa dry run ng COVID-19 vaccination sa Lakeshore Complex, Brgy. Lower Bicutan, Taguig City, sinabi ni Taguig Mayor Lino Cayetano na na pinakikilos na niya ang 716 medical personnel na
kinabibilangan ng mga doctor, nurse, at iba pang public health workers na may kakayahan na magbakuna sa mga residente ng lungsod.

Karagdagan dito ang 400 special team na binubuo ng tiglilimang miyembro na magsasagawa ng pagbabakuna sa apat na mega quarantine facility at 40 paaralan na magsisilbing vaccination center.
“Ang computation ho namin nasa 670,000 ‘yung above 16 years old. Sa ngayon ho kasi ‘yung bakuna na available sa merkado, 16 and above or 18 and above ‘yung puwede. Pero we are assured naman by the experts na ‘yung 18 and below, pinag-aaralan ngayon paano sila mababakunahan,” sabi ni Mayor Cayetano sa pagbisita sa Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) Team, na pinangungunahan ng National Task Force (NTF) at ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).

Kasabay nito ay nagtatag ng ID System ang naturang LGU na magsisilbing pre-registration para sa vaccination at vaccination process sa mga mega-vaccination hub ng Taguig City.
Nauna rito ay pumasok sa kasunduan ang Taguig City local government at Orca Cold Chain Solutions Inc. para magamit ang pasilidad nito sa Brgy. Bagumbayan bilang cold storage ng bibilhing COVID-19 vaccines na gawa ng AstraZeneca. (DAVE MEDINA)

70

Related posts

Leave a Comment