7 DAGDAG SA CALOOCAN COVID DEATHS

PITO katao ang namatay sa Caloocan City dahil sa COVID-19 sa loob ng limang araw.

Mula 1,108 noong Hulyo 17, umakyat sa 1,115 ang total COVID deaths ng lungsod noong Hulyo 22. Bukod dito, umakyat din mula 350 noong Hulyo 17 patungong 377 ang active cases.

Sumampa na sa 39,140 ang total confirmed cases sa Caloocan, at sa nasabing bilang ay 37,648 na ang gumaling.

Samantala, ayon sa Malabon City Health Department, 11 ang nadagdag na confirmed cases sa nasabing araw at sa kabuuan ay 13,755 na ang positive cases sa Malabon, 105 dito ang active cases.

Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangay Baritan (1), Catmon (2), Concepcion (2), Dampalit (4), at San Agustin (2).

Habang limang pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangay Acacia (1), Catmon (1), Longos (2), at Santulan (1).

Sa kabuuan ay 13,192 ang recovered patients ng Malabon ngunit hindi naman nadagdagan ang 458 na COVID death toll. (ALAIN AJERO)

41

Related posts

Leave a Comment