8 ELECTION-RELATED VIOLENCE NAITALA NG PNP

HALOS dalawang buwan pa bago ang nakatakdang October 30, 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Election ay nakapagtala na ang Philippine National Police ng walong election-related violence, base sa datos na naipon ng pulisya.

Kabilang sa 8 suspected ERVs ang pamamaril sa incumbent barangay chairman sa Libon, Albay, habang iniimbestigahan naman ang pagpatay sa barangay chairman na si Resty Hernandez sa Taal, Batangas kamakalawa.

Samantala, kasabay naman ng ipinaiiral na suspensyon ng Permit to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR), nasa 227 katao na ang naaresto dahil sa paglabag sa ipinatutupad na total gun ban sa buong bansa.

Base sa record ng PNP sa loob ng siyam na araw na implementasyon ng election gun ban, umabot na sa 173 baril ang nakumpiska kabilang dito ang 169 short firearms at apat na light weapons.

Nabatid na nagsagawa ng command conference ang Commission on Election, Armed Forces of the Philippines, PNP at iba pang law enforcement agency ng gobyerno kasunod ng naitalang mga karahasan na pinaniniwalaang may kaugnayan sa nalalapit na BSKE 2023.

(JESSE KABEL)

373

Related posts

Leave a Comment