8 POGO EMPLOYEES, PINAY NALAMBAT SA DROGA

NATIMBOG ng mga tauhan ng Manila Police District ang siyam katao, kabilang ang walong empleyado ng Philippine Off-Shore Gaming Operation (POGO) at isang Filipina dahil sa ilegal na droga sa loob ng isang hotel sa Ermita, Manila, iniulat ng pulisya.

Nakuha sa mga suspek ang 16 gramo ng shabu na may street value na P108,800 at isang .38 kalibreng baril na may limang bala.

Kinilala ang mga suspek na sina Huang Kang Chen, 26; Poi Di Zhu, 28; Li Jun, 26; Liuhan Yang, 24; Hai Yang, 24; Hou Yaquiang, 31; Tang Shaohua, 29; Li u Ji Jang, 29, mga Chinese national at POGO employees, pawag nanunuluyan sa Room 301, Brick Stone Hotel sa #1417 M.H. Del Pilar St., Ermita, at Ranica Fermiza, 24-anyos, ng University Place Residence, Taft Avenue, Malate, Manila.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Ariel Caramoan, station commander ng MPD- Station 5, nakatanggap ng impormasyon ang kanyang mga tauhan hinggil sa pagkakasangkot ng ilang POGO employee sa bentahan ng ilegal na shabu sa nabanggit na hotel.

Hinalang katatapos lamang mag-pot session ng mga suspek nang bitbitin ng mga pulis.

Sa report ng pulisya, ang mga suspek ay nadakip sa ikinasang operasyon nina P/CMS. Harold Ben, P/CMS. Peter Joseph Villanueva at P/Cpl. Ericson Siena ng MPD-Paco PCP, sakop ng Station 5. (RENE CRISOSTOMO)

161

Related posts

Leave a Comment