850 PASAHERO NG MRT3 PINABABA SA PALYADONG TREN

mrt3

(NI KEVIN COLLANTES)

NAPILITAN ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na pababain ang may 850 pasahero nito matapos pumalya ang motor ng sinasakyan nilang tren sa bahagi ng Mandaluyong City nitong Biyernes.

Batay sa advisory na inisyu ng Department of Transportation (DOTr)-MRT-3, nabatid na dakong 5:21 ng hapon nang pababain ng tren ang mga pasahero sa Boni Station northbound.

Ayon sa DOTr-MRT-3, electrical failure sa motor ng tren ang dahilan ng naturang unloading incident.

Kaagad rin namang naisakay ang mga pinababang pasahero sa kasunod na tren, matapos ang may pitong minutong paghihintay habang ang nasirang tren ay dinala naman sa train depot upang isailalim sa preventive maintenance at replacement ng mga nasirang electrical components.

“A Northbound (NB) train unloaded at Boni Station due to ELECTRICAL FAILURE IN OUR MOTOR at 5:21pm today (Biyernes). The whole train was unloaded, with approximately 850 passengers. Passengers were loaded in the next train which arrived 7 minutes later,” anang DOTr-MRT-3.

Ang MRT-3, na bumabagtas sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA), ang siyang nagdudugtong sa North Avenue, Quezon City at Taft Avenue, Pasay City.

 

300

Related posts

Leave a Comment