9 PATAY SA COVID SA CALOOCAN

SIYAM ang naitalang namatay sa COVID-19 sa Caloocan City noong Hunyo 18, ayon sa City Health Department.

Pumalo na sa 37,335 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, kung saan 35,671 na ang gumaling, 1,046 ang namatay at 618 ang active cases matapos na 88 ang nagpositibo sa virus.

Walang naiulat na namatay sa Malabon City at nanatili sa 443 ang COVID death toll ng lungsod. Siyam naman ang nadagdag na confirmed cases, at sa kabuuan ay 13,352 ang positive cases sa lungsod, 81 dito ang active cases.

Habang 13 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan ay 12,828 ang recovered patients ng Malabon.

Nanatili rin sa 367 ang bilang ng mga namatay dahil sa pandemya sa Navotas City. Sumampa na sa 10,976 ang nasapul ng pandemya sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 10,518 na ang gumaling at 91 ang active cases.

Kaugnay pa rin ng pandemya, ipinatawag ni Mayor Rex Gatchalian ang hepe at kinatawan ng Blumentritt Transport Service Cooperative matapos siyang makatanggap ng mga reklamo ng cutting trip at overloading mula sa mga commuter.

Muling ipinaalala ni Gatchalian na ipinagbabawal pa rin ang overloading sa public utility vehicles (PUVs) sa buong Metro Manila bilang pag-iingat sa COVID-19. (ALAIN AJERO)

35

Related posts

Leave a Comment