9 SUGATAN SA SUNOG SA PASAY

SUNOG

SUGATAN ang siyam katao sa sunog na tumupok sa magkakadikit na bahay na tinitirhan ng mahigit 60 pamilya kaninang tanghali sa Pasay City.

Isa sa mga nasugatan ay kinilalang si Samuel Caducoy.

Sa inisyal na ulat ng Pasay BFP, nagsimula ang sunog dakong alas-12:40 ng tanghali sa isang bahay sa M. dela Cruz St., Barangay 130, Pasay City.

Ganap na nakontrol ang apoy pasado alas-5 ngayong hapon.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog. DAVE MEDINA

 

 

 

73

Related posts

Leave a Comment