935 PULIS SINIBAK SA SERBISYO

NASA 935 erring policemen ang inutos na sibakin sa serbisyo matapos sumalang sa PNP-Committee on Disposition of Administrative Cases review ang kanilang mga kaso.

Sa datos ng Philippine National Police, umaabot na sa 4,082 disciplinary cases ng mga pulis ang kanilang naresolba sa loob lamang ng walong buwan o mula Enero 1 hanggang katapusan ng Agosto ngayong taon.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, ang mga naresolbang kaso ay nagresulta sa 935 dismissal sa serbisyo, 242 demosyon, 1,850 suspensyon, 159 forfeitures of salary, 680 reprimand, 110 restrictions, at 106 pag-withhold ng benepisyo.

Subalit nilinaw ni Col. Jean Fajardo, na kailangan idaan ito sa tamang proseso. Dahil kabilang sa mga muling titingnan sa pagrerebisa ng mga kaso ay kung nasunod ba ang proseso, kung tama ang mga dokumento, at kung nabigyan ng pagkakataon ang mga respondent na sagutin ang mga katanungan sa kaso.

Tulad din aniya ito ng mga kasong hawak ngayon ng IAS gaya ng akusasyon ng pag-ransack at pagnanakaw ng walong Cavite Police sa bahay ng isang professor sa Imus, sa kaso ng anim na pulis na inaakusahan sa pagkamatay ng binatilyong si Jemboy Baltazar sa Navotas.

Nabatid na mayroon na ring recommendation ang IAS subalit dadaan pa ito sa further review. “And what we can assure kung ano man yung findings and we will no longer alter the said findings,” paliwanag ng opisyal.

Nabatid na matapos ang review ng Committee on Disposition of Administrative Cases, saka ito ibibigay kay PNP Chief General Benjamin Acorda Jr. para sa kanyang pinal na desisyon.
Sinasabing base sa disciplinary mechanism ng PNP, sa loob ng 60 araw kailangan maresolba ang administrative cases na inihain laban sa pulis na sangkot.

(JESSE KABEL RUIZ)

369

Related posts

Leave a Comment