ACT-AGRI KAAGAPAY KAISA SA PANAWAGANG PAGKAKAISA

NAKIISA ang ACT-Agri Kaagapay organization sa panawagang pagkakaisa ng pamahalaan, sa isinagawang “kick-off rally” ng Bagong Pilipinas sa Quirino Grandstand sa Maynila kahapon ng hapon.

Pinangunahan ni Ms.Virginia Rodriguez, Pangulo ng ACT-Agri Kaagapay, ang kanyang grupo para ipakita ang kanilang mainit na suporta sa liderato ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Nagtungo ang grupo ni Ms. Rodriguez sa Luneta dakong alas-3:00 ng hapon para saksihan ang mga programang inilatag para sa mahalagang okasyon hinggil sa panawagan ng pagkakaisa.

“We support Bagong Pilipinas, we support President BBM, nais naming maging parte ng pagbabago para sa ating sarili, komunidad at bayan” Ani Ms. Rodriguez.

Sinabi ni Ms. Rodriguez na ang pakikiisa nila sa rally ay upang lalong mag-alab ang pag-asa ng bawat Pilipino na naghahangad na mapabuti ang bansa sa pamamagitan ng sama-samang tugon at aksyon sa magagandang programa ng gobyerno.

Ang Bagong Pilipinas Kick-off rally ay dinaluhan ni Pangulong Marcos na nagbigay ng tuwa, saya at inspirasyon sa bawat nakiisa sa makasaysayang okasyon.

Pahayag pa ni Ms. Rodriguez, ang kanyang grupo ay patuloy na maninindigan at susuporta sa nais ng gobyerno na maiangat ang buhay ng bawat Pilipino at sa kapakinabangan ng susunod na henerasyon.

Namigay rin ng ‘food pack’, meryenda at mineral water ang grupo ni Ms. Rodriguez sa mga kapwa nila dumalo sa rally.

Si Ms. Rodriguez ay dating Reporter na ngayon ay isa nang negosyante at pilantropo.

Siya ang author ng librong “Leave Nobody Hungry” na ngayon ay ginagamit na reference ng mga agricultural student at mga magsasaka ang kanyang “inputs” hinggil sa pagpapalaganap ng organic farming sa bansa.

114

Related posts

Leave a Comment