ACT AGRI-KAAGAPAY, NAMAHAGI NG RELIEF GOODS SA MGA BIKTIMA NG SUNOG SA TONDO

PINANGUNAHAN ng Act Agri- Kaagapay organization ang pamamahagi ng daan-daang relief goods upang makatulong sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Tondo, Manila kamakailan.

Mismong si civic leader at philanthropist Virginia Ledesma Rodriguez ang nanguna sa Act Agri- Kaagapay sa pagkakaloob ng relief packs sa mahigit 600 pamilya na nabiktima ng tatlong oras na sunog na tumupok sa nasa 100 tahanan sa Coral St., Tondo nito lamang Hunyo 17.

Nabatid na bawat benepisyaryong pamilya ay tumanggap ng groceries, bottled water, pagkain at mga gamot.

Sa naturang distribusyon ng relief goods, pinasalamatan naman ni Rodriguez ang mga residente, Bureau of Fire Protection (BFP) at iba’t ibang fire volunteer brigades para sa kanilang agarang tugon at tulong sa pag-apula ng apoy.

Sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan na rin si Rodriguez, na founder at pangulo ng Act Agri-Kaagapay organization, sa local government officials at sa National Housing Authority (NHA) upang i-assess ang pangangailangan ng mga pamilya na kwalipikado sa housing assistance.

Nangako rin siya na magkakaloob ng livelihood assistance sa mga apektadong pamilya upang matulungan ang mga ito na makabangon.

Ang iba pang mga aktibidad ng Act Agri-Kaagapay ay makikita sa kanilang Facebook page na Queen Vi Rodriguez.

52

Related posts

Leave a Comment