ACTIVE COVID CASES SA VALENZUELA, TUMAAS

0

UMAKYAT na sa 273 ang active COVID-19 cases sa Valenzuela City noong Hulyo 20.

Ayon sa City Health Office-City Epidemiology and Surveillance Unit, ito ay makaraang 39 ang madagdag na confirmed cases at 11 lamang ang maitalang gumaling.

Sumampa na sa 21,212 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 20,393 na ang nakarekober.

Hindi naman nadagdagan ang 546 COVID casualties ng lungsod sa nasabing araw.

Samantala, dumating na ang bahagi ng inorder na AstraZeneca vaccines ng lungsod.

“Kahit na maliit lang ito na percent ng COVID vaccines na binili ng city government, ang good news dumadating na ang nabili ng inyong lokal na pamahalaan,” ani Mayor Rex Gatchalian sa social media.

“18,000 plus na AstraZeneca na vaccines ang dumating ngayon. Unang batch ng city-bought vaccines. More to come! Remember 476,000 ‘yan all in all. Still a milestone in my book,” dagdag pa ng alkalde.

Tinanggap ng VCVax pharmacists ang 18,400 doses ng AstraZeneca vaccines na ilalagay sa Estrella Ice Plant and Cold Storage sa Barangay Lawang Bato.

Nakatanggap din ang pamahalaang lungsod ng supply ng Johnson & Johnson Janssen single-dose COVID-19 vaccines para sa senior citizens. (ALAIN AJERO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publicationโ€™s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment