AFP DEDMA SA ‘SULSOL’ NI DIGONG

NILINAW kahapon ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na hindi nila kailangan magsagawa ng loyalty check sa kanilang hanay o sa buong organisasyon sa gitna ng mainit na mga usaping pulitikal sa bansa.

Ayon sa AFP, walang sundalong papatol sa mga sulsol o pasaring ng iilan para mag-aklas laban sa lehitimong pamahalaan dahil nananatiling buo, matatag at isang professional organization ang Hukbong Sandatahan.

Kamakailan sa isang pulong balitaan ay nagpasaring ang dating pangulong Rodrigo Duterte na military lamang ang maghihilom ng pilay sa pulitika at sa nangyayari sa bansa. Kasabay ng tanong na hanggang kailan susuporta sa isang drug user na pinuno ng bansa.

Ayon kay AFP Spokesperson Francel Margareth Padilla, “At this point sir, there is no need for loyalty checks, our chief of staff (General Romeo Brawner) has already stated that he trusts that each soldier will perform its mandate accordingly and remain professional”.

“Ang amin pong loyalty is to the flag and to the constitution and we adhere to the chain of command. The Armed Forces of the Philippines is a non-partisan organization.”

Sa ginanap na pulong balitaan kahapon sa Camp Aguinaldo, nakiusap ang pamunuan ng Hukbong Sandatahan na huwag nang kaladkarin ang mga sundalo sa isyung pulitikal. (JESSE KABEL RUIZ)

55

Related posts

Leave a Comment