AFP KASADO NA SA EMERGENCY EVACUATION SA PINOYS SA ISRAEL

TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines na may nakalatag nang contingency plan at handa ang military na magsagawa ng emergency evacuation mission sa Israel at maging sa Hamas occupied Gaza Strip anomang oras na ipag-utos o hilingin ng apektadong mga bansa.

Ayon kay AFP Spokesperson, Col. Medel Aguilar sa isang pulong balitaan, “I am here to assure everybody that with the guidance of our president, his excellency President Ferdinand Romualdez Marcos Jr., the Armed Forces of the Philippine is prepared to execute evacuation operation should there be a need for.”

Inihayag ni Col. Medel, may inihanda na silang plano kung paano isasagawa ang maramihang paglilikas, “We already came out with a plan on how to do it and this will be a whole of nation of approach because what is important for us is the safety of our countrymen there in the conflict area.’

Nabatid na masusing pinaghahandaan ng AFP ang inaasahang pahirapang paglikas ng mga Pilipino na naiipit sa Gaza. Sinasabing mahirap ang isasagawang repatriation sa mga manggagaling sa Gaza dahil sarado ang border sa Israel.

“We have a plan here. Ok, we have identified first the temporary safe haven where we can bring our countrymen should there be an escalation of hostility. Aside from that we also identified the airport of embarkation,” ayon pa sa opisyal.

Nabatid na plano ng AFP na magpadala ng dalawang C-130 plane at isang C295 plane ng Philippine Air Force para pagsakyan ng mga ililikas sakaling bigyan sila ng go signal na isagawa ang plan evacuation operation.

“Yes, we will be traveling, we will be sending two aircrafts, C130 aircrafts and one C295 and we have already identified the Adana Şakirpaşa Airport in Turkey as the temporary safe haven.

Mula rito ay ibibiyahe ang mga Pinoy na naipit sa kaguluhan sa dalawang natukoy na paliparan, ang Haifa airport at Tel Aviv airport, “but all of these will only be executed based on the recommendation or instructions coming from other government authorities.”

Nabatid na inatasan ni Pangulong Marcos ang AFP na maglatag ng kanilang contingency plans sakaling lumubha ang sitwasyon sa pagitan ng Israel at ng Hamas militant sa Gaza border.

Pinangangambahang lumawak ang armadong sagupaan sakaling sumawsaw pa ang ibang mga bansa na kaaway ng Israel at makisimpatya sa Hamas militant gaya ng Hezbollah Palestine faction na nasa Lebanon.

(JESSE KABEL RUIZ)

44

Related posts

Leave a Comment