AFP PURSIGIDONG WAKASAN CPP-NPA INSURGENCY

PURSIGIDO ang Armed Forces of the Philippines na wakasan na ang mahigit 50 taong insureksyon na inilunsad ng Communist Party of the Philippine at ng kanilang amardong galamay, ang New People’s Army.

Sa isang pulong balitaan, inihayag ni AFP chief of Staff General Romeo Brawner na seryoso ang kanilang pagsisikap na durugin ang nalalabing CPP-NPA Guerilla Front bago matapos ang taong ito.

Ayon kay Brawner walang humpay ang ginagawang tactical at offensive operation ng military para ma-dismantle ang nalalabing apat na guerilla fronts sa bansa.

Naniniwala si Brawner na napakaliit na lamang ang ginagalawan ng tinatayang nasa isang libo na lamang na armadong NPA mula sa kanilang may 2,000 puwersa noong nakalipas na 2023.

Nabatid din na mula sa dating pitong guerilla front na naitala sa nakalipas na tatlong buwan ay apat na lamang kanilang tinutugis.

Nitong nakalipas na mga araw ay sunod sunod na nahulog sa bitag ng Philippine Army ang ilang nalalabing mataas na pinuno ng CPP-NPA na sinasabing nagresulta sa pagbaba ng moral ng mga nalalabing CPP-NPA kadre at pagkakaroon ng vacuum sa kanilang liderato. (JESSE KABEL RUIZ)

38

Related posts

Leave a Comment