AHENSIYA SA WATER DISTRIBUTION TINANGGIHAN NG PALASYO

tubig12

(NI BETH JULIAN)

HINDI kinagat ng Malacanang ang planong pagbuo sa Department of Water Management na tututok sa maayos na distribusyon ng tubig.

Ayon kay Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, wala naman problema sa suplay ng tubig at kaya lamang nagkakaproblema ay dahil sa kapabayaan ng ilang opisyal ng MWSS at Manila Water.

Isinisi rin ng Malacanang ang posibleng mga maling diskarte para sa distribusyon ng tubig sa kanilang mga customer.

Iginiit ni Panelo na sa katunayan ay madali rin naman nalutas ang aberya pero hinintay pa ng mga ito na si Pangulong Rodrigo Duterte mismo ang magsalita.

Gayunman, tiniyak ni Panelo na ilalabas ng Palasyo ang isang Executive Order na tutugon sa problema sa tubig anumang araw ngayon.

6

Related posts

Leave a Comment