(NI ROSE PULGAR/PHOTO BY EDD CASTRO)
MULA sa full alert, ibinaba na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa heigthened alert status ang Metro Manila.
Ito ang pahayag kahapon ni NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar.
Ayon kay Eleazar, simula kahapon ay epektibo na ang pagbababa ng antas sa alerto matapos ideklara ni Philippine Nationa Police (PNP) Chief Oscar Albayalde na lutas na ang kaso ng pambobomba sa Jolo Sulu.
Sinabi ng opisyal, maliit lang ng pagkakaiba ng heigthend alert at full alert status dahil bahagya lamang ang pagbabawas at mga pagpapakalat ng checkpoint pero patuloy pa rin ang pagpapakalat ng mga pulis sa Metro Manila.
Ang pagtitiyak pa ni Eleazar patuloy pa rin ang kanilang inteligance plan, strategist laban sa mga terorista.
Bagama’t itinuturing na case solved ang pagsabog sa Jolo, sinabi ni Eleazar na hindi dapat magrelax ang mga awtoridAd sa pagpapatupad ng seguridad.
Muling ipinaalala ni NCRPO Chief sa publiko na manatili pa rin alterto at mapagmatyag laban sa mga kahinahinalang tao at pagkilos na makikita sa kanilang lugar.
Magugunitang idineklara nang case solved ng PNP nitong Martes ang kambal na pagsabog sa Our Lady of Mount Cathedral sa Jolo, Sulo at sa isang mosque sa Southern Mindanao kaugnay ng magkasunod na pagsuko ng limang suspect na itinuturong nasa likod ng pagsabog.
126