ANIM NA INDIAN NASAKOTE SA P128-K MARIJUANA

ANIM na Indian national ang nasakote ng mga pulis sa Pasay City at nakumpiska ang higit isang kilong marijuana sa drug buy bust operation sa isang kwarto sa 18th Floor Central Park Tower 2, Pasay City kahapon.

Isang pulis ang umaktong poseur buyer na nagbigay ng senyas sa pagsalakay ng mga kasamahang operatiba nang magkipag- abutan ng marked money at marijuana sa mga Indian national.

Tinatayang aabot sa mahigit P128 thousand ang halaga ng nakumpiskang marijuana ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Pasay Police. Kasamang nakumpiska ng mga operatiba sa anim na suspek ang ilang drug paraphernalia gaya ng marijuana pipe, water pipe at timbangan.

Mahaharap naman sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o paglabag sa Dangerous Drug Act at deportation proceedings ang anim na naarestong Indian Nationals. DAVE MEDINA

114

Related posts

Leave a Comment