(NI LYSSA VILLAROMAN)
PANSAMANTALANG sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang anti-jaywalking policy matapos madiskubre ng naturang ahensya ang anomalya ng isang opisyal ng Anti-Jaywalking Unit (AJU) kasabwat ang dalawa pang tauhan nito sa pamamagitan ng paggamit ng mga pekeng resibo sa mga lumalabag dito na kanilang nahuhuli.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, inihahanda na rin nila ang mga kasong falsification of documents at corruption laban sa tatlong kawani na kinilalang sina Joana Eclarinal, deputy of operation ng Anti-Jaywalking Unit, at ang dalawang tauhan nito na sina Jonathan Natividad at Frederick Arucan, na mga kapwa regular na empleyado ng MMDA.
154