Apela ng gobernador ng Zamboanga del Norte sa mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan SUPPLEMENTAL BUDGET APRUBAHAN PARA MAPASWELDO MGA CONTRACTUAL AT JOB ORDER EMPLOYEES

UMAPELA ang isang mataas na opisyal ng gobyerno sa Zamboanga del Norte sa Sangguniang Panlalawigan na aprubahan na ang supplemental budget upang maibigay na ang sweldo ng mga contractual at job order employees.

Sa isang pahayag, sinabi Zamboanga del Norte Gov. Rosalina ‘Nanay Nene’ Jalosjos na aksyunan na ang kanyang kahilingan na pondo dahil matagal na niyang ipinadala sa Provincial Board ang panukalang supplemental budget.

Mula kasi noong Oktubre hanggang ngayong buwan ng Disyembre ay hindi pa nakasusweldo ang mga contract of service at job order employees dahil sa kawalan ng sapat na pondo.

Nangangamba si Gov. Jalosjos na posibleng maapektuhan ang manpower operation ng lahat ng ahensya ng Provincial Government kung hindi mapapasweldo ang mga empleyado. Kabilang sa maaaring maapektuhan ay ang operasyon ng Provincial Hospital at mga District hospital, at iba pang mga pagawaing bayan.

Ikinalungkot ng gobernadora na ang mga hardworking individuals na ibinigay ang kanilang serbisyo ay napag-iiwanan nang walang kompensasyon para sa buwan ng Oktubre hanggang Disyembre.

11

Related posts

Leave a Comment