ARTIST SKETCH SA BELTRAN SLAY INILABAS

artist1

INILABAS na ng Quezon City Police District (QCPD) Huwebes ang sketch ng lalaking posibleng responsable sa pagpaslang sa isang barangay chair sa lungsod.

Ayon kay QCPD director Chief Supt. Joselito Esquivel, nagtanggal ng suot na helmet ang suspek kaya nakita ng testigo ang mukha nito.

Na-enhance din ang kuha ng closed-circuit television (CCTV) sa insidente kaya nakilala ang suspek, ani Esquivel.

Nasawi noong umaga ng Miyerkoles si Criselle Beltran, chairperson ng Barangay Bagong Silangan, at driver niyang si Mario Salita matapos silang pagbabarilin ng mga nakamotorsiklong salarin.

Bukod sa pagiging opisyal ng barangay, kakandidato rin sana si Beltran sa pagkakongresista sa ikalawang distrito ng lungsod.

Kabilang sa mga sinisilip na motibo sa pamamaslang ang politika, love triangle at negosyo.

Sa ngayon, anim ang itinuturing na persons of interest ng pulisya.

26

Related posts

Leave a Comment