AVIATION COMPANY KINUHA NG SBMA

BINAWI na ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang Aviation Hub Asia, Inc. dahil sa pagkabigong matupad ang lease agreement at pagkakautang ng halos P20 milyon.

Ang Aviation Hub Asia, Inc. ay isa sa aviation services company sa loob ng teritoryo ng Freeport.

Inihayag ni SBMA Chairman at Administrator Jonathan D. Tan na inaprubahan ng SBMA Board of Directors ang resolution No. 23-10-9296 para sa pagpapatigil sa lease agreement ng Aviation Hub Asia nitong October 3, 2023.

Ang pagpapalabas ng Board resolution ay bunsod sa kabiguang bayaran ang lease rentals, development commitments, at non-submission ng Performance Bond.

May outstanding obligation ang kompanya sa halagang P19,122,335.97 at US$106.02 para sa utang sa upa, penalty sa performance bond at iba pa.

Ang nasabing kumpanya ay bigong maisakatuparan ang development commitments at non-submission of Performance Bond sa loob ng panahon na nakasaad sa Notice of Default with Demand to Pay na may petsang September 30, 2023. Tinapos na ng SBMA at kinansela ang company’s lease agreement at kinumpiska ang kanilang properties.

Kabilang sa properties ng company leased ay ang bahagi ng hangar area, office space, shed at open space na nasa Building 8066, Subic Bay International Airport (SBIA) Southwest Apron, Subic Bay Freeport Zone.

Inihayag ni Tan na ang hindi naisagawang development commitments ng kumpanya ay kinabibilangan ng renovation ng 5 maintenance, repair at overhaul hangars at offices, storeroom at pilot briefing rooms, 2 karagdagang bagong aircraft hangars na aayusin sa loob ng 3-taon mula sa signing ng lease agreement noong March 19, 2019.

Nagbigay ang SBMA ng notice of re-entry, repossession at takeover sa lugar na may pag-uutos sa pagbabayad hanggang October 17, 2023 na natanggap noong November 3, 2023. Ang notice ay nagkabisa nitong Lunes makaraan ang 30 days mula sa pagkakatanggap ng abiso.

Ang aksyong ito ay alinsunod sa determinasyon ng Freeport Chairman na maalis ang mga erring locator na nagsasagawa ng landbanking o hindi naisasakatuparan ang kanilang development commitment.

Bunsod nito ay nananalig si Tan na may mga bago at honest investors na dadagsa para maging bahagi ng SBMA at nakaumang na rin ang P5.5 bilyon joint venture sa pagitan ng ahensya at ng Harbour Centre Pot Terminal In. (HCPTI).

“Our goal at SBMA is in line with HCPTI’s goal of creating more employment opportunities, generate new income, boost the tourism, attract more foreign and local investments, and expand the trading business in Subic,” ani Tan.

81

Related posts

Leave a Comment