NANGAKO ang ACT CIS Partylist na tatrabahuhin ng kanilang grupo na madagdagan ang ayuda para sa mga indigent senior citizen sa bansa.
Ayon kay ACT CIS Nominee Edvic Yap, “sa kasalukuyan, P500 lang ang natatanggap na ayuda buwan-buwan ng mga indigent senior citizens natin at PWD.”
Ang budget ay nanggagaling sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ipinamamahagi sa mga matatanda at PWD.
“Madami pong mga PWD at senior ang lumalapit sa amin para lang sabihin na kulang na kulang ang P500 para pambili nila ng pagkain o maintenance kada buwan,” ani Yap.
“Pagbalik namin sa Kongreso ito ang mga unang panukalang batas na aatupagin ng aming mga kasamahan,” dagdag pa ni Yap.
Paliwanag pa ni Yap, hihingin nila sa Committee on Appropriations ng Kongreso na dagdagan ang pondo ng DSWD sa susunod na taon para sa ayuda ng mga senior at PWD.
116