BA.5 OMICRON CASES, MAHIGIT 1K NA

covid

UMABOT na sa 1,200 na bagong BA.5 Omicron subvariant cases ang natukoy sa bansa batay sa pinakahuling sequencing results mula Setyembre 24 hanggang 26.

Ayon sa Department of Health (DOH) sa press briefing, 1,199 na kaso ang lokal at ang isa ay mula sa isang Pinoy na bumalik mula sa ibang bansa.

Ayon kay DOH OIC Maria Rosario Vergeire, nasa 41% ang BA.5 Omicron subvariants ang natukoy sa bansa.

Samantala, hindi bababa sa 33 BA.4 Omicron subvariant ang nakita rin, sa bilang na ito, 31 ang nagmula sa Soccsksargen at dalawa mula sa Northern Mindanao.

Sinabi pa nito, hindi bababa sa siyam na lokal na kaso ng Delta variant ang nakita, sa bilang na ito ay limang kaso ang nagmula sa Soccsksargen, tatlo sa Caraga, at isa sa Cordillera Administrative Region (CAR). (RENE CRISOSTOMO)

13

Related posts

Leave a Comment