(NI ROSE PULGAR)
INIHAYAG kahapon ng Departmenf of Transportation (DOTr) na dumating na ang mga riles ng Metro Rail Transit (MRT)- 3 sa PITEX sa Dongalo Paranaque City Huwebes ng gabi.
Ayon sa DOTr pasado alas -11:00 ng gabi nang ideliber ng mga trak at inilipat na sa staging area na malapit sa PITX sa Barangay Don Galo, sa nasabing lungsod, ang mga bagong riles ng MRT-3 na galing pa ng Japan.
Kaugnay nito, nakatakda nang simulan sa buwan ng Nobyembre ang rehabilitation project ng MRT 3 kasunod ng maagang pagdating ng mga bagong riles na ipapalit sa mga lumang riles ng ng MRT-3
Ayon kay DOTr Usec. for Project development Atty. Felipe Mallari, naka-schedule simulan ang proyekto sa buwan ng Disyembre pero napaaga ito kaya maaring masimulan umano sa buwan ng Nobyembre ang gagawing pag welding sa mga bagong riles ng mrt sa Taft Ave.
Ang rehabilitation ng MRT-3 ay nakuha ng Somitomo Corporation at target na matatapos ito sa loob ng 26 na buwan habang nasa 17 buwan naman ang gagawing maintenence ng MRT-3 sa nasabing kompanya.
Ayon kay Mallari dumating ang Barko sa Pilipinas galing Japan sakay ang mga bagong riles nitong Hulyo at kailangan ma unload ito sa loob ng 15 araw ang nasa 4,053 piraso na mga riles para ipalit sa kabuuang 16. 9 klm na haba mula Taft Ave hanggang sa North Avenue ,Quezon City MRT depot.
Habang ang mga lumang riles naman na pinag palitan ay ibabagsak sa staging area sa malapit sa Trinoma sa Quezon City.
Target ng nasabing proyekto ay matatapos sa loob ng 26 month base sa agreement ng DOTr MRT-3 at Somitomo Corporation.
Hindi naman umano maapektuhan ang operasyon ng MRT-3 dahil gagawin lamang ang rehabilitation sa non-operating hour ng MRT-3.
139