BAGYONG OBET NAGBABANTA SA HILAGANG LUZON

HABANG patuloy na nagbabanta ang Tropical Depression Obet taglay ang napanatili nitong lakas ng hangin sa Hilagang Luzon ay umakyat naman sa P440 million ang halagang winasak ng Bagyong Neneng sa agrikultura at  imprastraktura, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council kahapon.

Base sa kanilang latest situational report, inihayag ng NDRRMC na umakyat na sa P366 million ang pinsala ni ‘Neneng’ sa agrikultura at tinatayang nasa 14,500 magsasaka at mangingisda ang naapektuhan.

Nasa 19,000 hektarya ng lupang pang-agrikultura naman ang nasira sanhi ng mga pagbaha sa Ilocos Region, Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region.

Habang nasa P1.8M ang danyos sa livestock, poultry at fisheries, samantalang sa infrastructure ay tinatayang nasa P81.5 million ang pinsala.

Nasa 34 public infrastructure din ang nasira karamihan dito ay mga pangunahing lansangan.

Sa mga kabahayan ay 115 ang partially damaged at nasa 51 ang nawasak.

Walang iniulat na nasawi o nawawala sa Bagyong Neneng maliban sa dalawang nasugatan.

Samantala, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), huling namataan ang sentro ng Bagyong Obet sa layong 1,025 km sa silangan ng extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.

Kumikilos ito nang pahilaga, hilagang kanluran sa bilis na 15 kph. (JESSE KABEL)

9

Related posts

Leave a Comment