BALIK-PASAWAY; MMDA NAGSAGAWA MULI NG CLEARING OPERATIONS

MMDA ILLEGAL PARKING

(NI LYSSA VILLAROMAN)

MULING nagsagawa ng clearing operation ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) laban sa street vendors at mga illegally parked vehicle na muling nagbalikan sa bawal na puwesto.

Ang MMDA ay naunang nagsagawa ng clearing operation sa Carlos Palanca Street, na parte ng Mabuhay Lane Route 6 subalit nagsibalikan muli ang mga street vendor at mga illegally parked vehicle.

Ayon sa MMDA ang Mabuhay or Christmas lanes ay alternatibong ruta sa mga kilalang lugar para sa holiday shopping upang mabawasan ang oras ng biyahe.

Sa pahayag ni Rene Homecillada, ng MMDA, sila ay muling nagsagawa ng clearing operation sa naturang lugar matapos na muling nagsibalikan ang santambak na street vendors at sinabayan pa ng mga sasakyan na illegally parked.

“No’ng nakaraan malinis na ‘yung Avenida at saka ‘yung Quiapo. Ngayon bumalik na naman sila, so araw-arawin din naming i-operate ‘yung lugar na ito,” ani Homecillada.

Ayon pa kay  Homecillada, maari naman tubusin ng mga vendor ang kanilang mga nakumnpiskang paninda sa MMDA impounding area sa Pasig City.

Subalit ,pahayag naman ng mga vendor na wala silang sapa na pera upang tubusin ang kanilang paninda kasama na rin ang kanilang gastos papuntang Pasig galing ng Manila.

“Ang layo-layo, ang dami pang proseso bago namin makuha. Magkano lang sahod namin dito, pupuntahan pa namin doon,” ayon sa pahayag ng isang vendor.

Kahit na naghigpit ang MMDA ay patuloy pa rin ang isinasagawng clearing operation bilang tugon sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ay marami pa rin ang matitigas ang ulo na nag-iiwan ng kanilang mga sasskyan sa mga major pathway.

Sa pahayag naman ni Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, pinaplano na rin nila ang pag-implementa muli ng nationwide road clearing operations.

 

323

Related posts

Leave a Comment