BARANGAY CHAIRMAN ITINUMBA SA QUIAPO

PATAY ang barangay chairman sa Maynila habang sugatan ang isang kagawad sa insidente ng pamamaril sa Quiapo, Maynila.

Kinilala ang nasawing biktima na si Abubacar Sharief, chairman ng Barangay 384, Zone 39 ng Quiapo.

Sinasabing naka-duty sa barangay outpost sa Globo De Oro Street si Sharief kasama ang tatlong kagawad bandang alas l-11 ng gabi ng Miyerkules nang dumating ang ilang armadong kalalakihan.

Doon na sila pinadapa at saka pinagbabaril si Sharief.

Sugatan naman sa insidente si Malik Abdullah.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Sta. Cruz Police commander Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo, na isa sa sinisilip nilang anggulo sa pagpatay ang pulitika at negosyo.

Noong 2012 nang mapatay rin sa pamamaril ang ama ng nasawing biktima na si Zainal Sharief.

Incumbent barangay chairman noon si Zainal na pinagbabaril sa loob ng kanilang bahay.

Patuloy ang imbestigasyon sa krimen. KIKO CUETO

192

Related posts

Leave a Comment