BARKADA KONTRA DROGA INILUNSAD SA MAYNILA

PINANGUNAHAN ng tinaguriang “The game changer” ang paglulunsad ng “Barkada Kontra Droga” sa isang pampublikong paaralan sa San Andres Bukid, Manila noong Sabado ng umaga.

Mismong si Manila Police District Director Police Brigadier General “The game changer” Andre Perez Dizon, ang nanguna sa paglulunsad ng programa sa Aurora Quezon Elementary School sa San Andres Bukid.

Namagitan sa aktibidad  ang Department of Education (DepEd) MADAO, PDEA at BKD Student Presidents at ang teacher advisers ng 35 public schools sa Lungsod ng Maynila,

Bukod dito, naroroon din si Police Lieutenant Colonel Orlando Mirando Jr., commander ng MPD-Sta. Ana Police Station 6, kasama ang kanyang mga tauhan, at si Police Major June Saygo ang naging tagapagsalita ng programa.

Ayon kay Police Major Philipp Ines ng Public Information office (PIO), mahalaga ang programa upang ang mga mag-aaral ay matutunan ang tamang landas lalo na sa pag-iwas sa bawal na droga.

Inaasahan ng pamunuan ng MPD at ng buong staff nito at ilang sangay ng gobyerno, na maiiwasan kahit papaano ng mga kabataan ang ilegal na droga sa pamamagitan ng kanilang inilunsad na “Barkada kontra Droga”. (RENE CRISOSTOMO)

132

Related posts

Leave a Comment