IKINATUWA ni Senador Cynthia Villar ang pagpasa ng Magna Carta of Filipino Seafarers, na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes, Setyembre 23, sa Malacañang.
Ayon kay Villar na isa sa co-author ng batas at matagal nang supporter ng Filipino seafarers, ginagarantiyahan nito ang proteksyon ng mga karapatan at kapakanan ng domestic at overseas seafarers.
Tinitiyak din ng batas ang pantay na oportunidad sa ating maritime industry na naaayon sa domestic at international law. (Danny Bacolod)
50