BENITEZ BAGONG TESDA CHIEF

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Negros Occidental Rep. Jose Francisco “Kiko” Bantug Benitez bilang bagong Director General ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) kasunod ng pagbibitiw sa pwesto ni Suharto Mangudadatu.

Bitbit ni Benitez, kinatawan ng third congressional district ng Negros Occidental at chairperson ng committee on housing and urban development sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, ang yaman ng kanyang karanasan sa edukasyon, development, at public service.

Ang kanyang malawak na academic background at commitment na mapanatili ang pag-unlad ang dahilan kaya siya nararapat na pinuno ng TESDA.

Kaya nga, kumpiyansa ang administrasyon ni Pangulong Marcos sa kakayahan ni Benitez na pangunahan ang TESDA tungo sa pagkamit ng nilalayon nito na gawing mahusay ang technical skills ng mga manggagawang Pilipino, i-promote ang lifelong learning opportunities, at imaneho ang economic growth sa pamamagitan ng edukasyon at skills development.

Si Benitez, may doctorate sa Philosophy, ay kilala bilang tagapagsulong ng batas na nagpo-promote sa development paradigms na nagbabalanse sa ‘social equity, economic growth, at ecological sustainability.’

Inaasahan naman na agad uupo si Benitez sa bago niyang papel at ibabalangkas ang kanyang strategic priorities para sa TESDA sa mga darating na linggo. (CHRISTIAN DALE)

32

Related posts

Leave a Comment