NANINIWALA ang Bureau of Fire Protection (BFP) na patuloy itong tatanggap ng unmodified opinion mula sa Commission on Audit (COA) para sa fiscal year 2023 bilang pagsunod sa Seksyon 43 ng Government Auditing Code of the Philippines (Presidential Decree No. 1445).
Kaugnay nito, inaasahan ng BFP na maglalabas ng karagdagang budget ang Congress para sa modernization program ng bureau ngayong taon, may karagdagang P4.5 Billion ang ahensya na pambili ng mga makabagong kagamitan para isulong ang modernization program nito.
Nabatid sa huling pagdinig ng Kongreso para sa budget ng BFP, inaasahang tataas ang budget ng ahensya para sa bureau of fire para sa taong 2025.
Ayon kay Miriam M. Villanueva, Director IV ng Commission on Audit (COA), ang audit ay isinagawa sa BFP bilang pagsunod sa mandato ng batas, rules and regulations at para ipatupad ang pantay na probisyon ng financial statements at ipatupad ang audit recommendation. Sinabi rin nito ang kanilang pag-audit upang magbigay ng isang paborableng batayan para sa kanilang hindi binagong opinyon na inilabas.
Samantala, sinabi pa sa ulat ng COA na ang audit report ay isang independiyenteng audit report, Audit Financial Statement na naglalaman ng mga Obserbasyon at Rekomendasyon na tinalakay ng mga kinauukulang opisyal ng Status of Implementation ng Prior Years Audit Recommendation.
Batay sa ulat ng COA, nakatanggap ang BFP ng impresibong score na 93 percent, na nakakuha ng outstanding rating kumpara sa inisyal nitong Financial Performance Rating report. At sinabi ng COA report na walang iregularidad sa mga pagsisikap ng BFP na gawing moderno ang mga pamamaraan at program nito sa pagtugon sa sakuna at sunog.
Kaugnay nito, sinabi ni BFP chief director Louie S. Puracan na dahil sa modernization program, nakayanan ng BFP ang mga makabagong hamon ng panahon kabilang na ang pagdami ng mga fire truck ng BFP, mga ambulansya at kagamitan para tumugon sa mga emergency na tawag hindi lamang sa mga sunog kundi pati na rin sa pagtugon sa sakuna at pagliligtas sa buhay ng mga indibidwal.
Kaugnay naman ng pagtatalaga kay DILG Sec. Jonvic Remulla, ang BFP ay umaasa na ito ay magbibigay lakas sa ahensya upang maipatupad nito ang kanilang mandato bilang isang kawanihan.
Bunsod nito, sinabi sa ulat ng COA na umabot sa P13.17 bilyon ang kabuuang pondong inilaan para sa BFP modernization program mula 2011 hanggang 2017. (PAOLO SANTOS)
42