BINATILYO ARESTADO SA PANANAKSAK

BINITBIT ng mga barangay official ang isang 16-anyos na binatilyo makaraang saksakin sa dibdib ang isang 27-anyos na lalaking sumita sa suspek nang mabangga ang anak na pinaliliguan noong linggo ng gabi sa Intramuros, Manila.

Itinago ang suspek sa pangalang “Isko” na nahaharap sa kasong frustrated murder.

Habang kinilala ang biktimang si Jule Fuentes, merchandizer, ng #452 Cabildo St., Intramuros, na isinugod sa Gat Andres Bonifacio Medical Center.

Ayon sa opisyal ng Barangay 655, Zone 69, ang suspek ay dinala na nila sa Manila Youth Recreation Center makaraang i-report ang insidente sa tanggapan ni P/Lt. Col. Ariel Caramoan.

Sa report ng pulisya, bandang alas-8:00 ng gabi nang mangyari ang isnidente sa Maisan Compound sa Cabildo St., sa Intramuros.

Nabatid sa imbestigasyon, pinaliliguan ng biktima ang kanyang anak sa eskinita nang dumaan ang suspek at nabangga ang bata.

Bunsod nito, sinabi ng biktima, “Pre, dahan-dahan lang”, ngunit imbes na humingi ng dispensa ay nagalit pa ang suspek na sinabing “Anong gusto mo?” at saka nagmamadaling umalis.

Ngunit bumalik ang suspek na armado ng patalim at inundayan ng saksak sa dibdib ang biktima. (RENE CRISOSTOMO)

126

Related posts

Leave a Comment