BNG MEMBER TIKLO SA BARIL

ISINELDA ng mga operatiba ng Manila Police District-Police Station 3, Plaza Miranda PCP, ang isang 27-anyos na kaanib ng Bahala Na Gang (BNG) makaraang makumpiskahan ng isang improvised na baril sa panulukan ng CM Recto Avenue at Quezon Boulevard, Barangay 308, Sta. Cruz, Manila noong Linggo ng madaling araw

Kinilala ang suspek na si John Ver Dela Peña, binata, walang trabaho, residente ng Sta. Cruz, Manila.

Ayon kay Police Captain Rowell Robles, hepe ng Plaza Miranda PCP, bandang alas-2:25 ng madaling araw nang inguso ang suspek ng isang concerned citizen, hinggil sa pagdadala nito ng baril.

Agad namang sinita ng mga awtoridad ang suspek na nakumpiskahan ng sumpak na may isang bala ng .38 kalibreng baril.

(RENE CRISOSTOMO)

95

Related posts

Leave a Comment