BRIDE PATAY SA BANGGAAN NG MOTORSIKLO

PATAY ang isang 36-anyos na private employee na malapit nang ikasal, makaraang magbanggaan ang dalawang motorsiklo sa intersection ng Pedro Gil at Medel Street, Sta. Ana, Manila noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni Police Major Jaime Gonzalez Jr., hepe ng Vehicular Traffic Investigation Section ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), ang nasawing biktima na si “Angela Jade”, ng Sta. Ana, Manila.

Habang sugatan naman ang kasama nitong si Bryan Aguas, 40, isa ring private employee, driver ng motorsiklo, residente ng Sta. Lucia, Pasig City.

Sugatan din ang nakabanggaan nilang delivery rider na si Jaypee Victorino, ng Cubao, Quezon City, isinugod sa Philippine Orthopedic Center.

Ayon sa kuha ng CCTV sa naturang lugar, na ni-review ni Police Staff Sergeant John Patrick Caraguian, nangyari ang insidente bandang alas-2:30 ng hapon.

Binabaybay ni Aguas ang eastbound lane ng Pedro Gil ngunit pagsapit sa Madel Street, nang mabangga sila ng motorsiklo ni Victorino.

Sa lakas ng banggaan, tumilapon sa kalsada si Angela Jade na nagresulta sa pagkamatay nito. (RENE CRISOSTOMO)

57

Related posts

Leave a Comment