BRIGADA ESKWELA AARANGKADA SA LAS PINAS

brigada12

(NI MAC CABREROS/PHOTO BY AJ GOLEZ)

SIMULA ngayong araw ng Lunes ang isang linggong bayanihan para maihanda ang mga pasilidad at silid-aralan sa pagbabalik ng klase sa Hunyo 3.

Ayon Education Secretary Leonor Magtolis Briones, muling patutunayan ng buong sambayanan ang bayanihan spirit sa ika-16 edisyon ng Brigada Eskwela mula Mayo 20 hanggang 25.

Isang caravan mula SM Megamall patungong Las Pinas Elementary School, Las Pinas City para pormal na umpisahan ang Brigada Eskwela kung saan kumpunihin ang mga sirang pasilidad, pinturahan ang mga silid-aralan upang maging kaayaaya sa papasok na batang mag-aaral kung saan tinayang aabot sa 27 milyon.

Nauna nang ikinasa nitong Mayo 16 sa Alfonso Elementary School sa Alfonso, Cavite, ang Brigada Eskwela na may temang ‘Matatag na Bayan para sa Maunlad na Paaralan’.

“It is more than just about painting or cleaning schools in preparation for the return of the children. It’s also a matter of seeing to it that we provide them the requisites of learners and the requisites of a good learning environment namely, safe schools, supplies, furniture, equipment, and good teachers,” inihayag Sec. Briones.

Kasabay nito, pinaalalahanan ng kalihim ang mga school officials na boluntaryo ang pagsama sa Brigada Eskwela at hindi gagamiting hadlang sa enrolment ng mga bata.

Ipinabatid naman  Usec. Tonisito Umali na aabot sa P4.66 bilyon ang halaga ng nalikom na donasyon o tulong noong 2018.

 

256

Related posts

Leave a Comment