BSKE COC FILING SA MAYNILA DINAGSA

UMARANGKADA na noong Lunes ng madaling araw ang pagpapatupad ng Comelec checkpoints at gun ban sa Metro Manila kaugnay ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa darating na Oktubre 30.

Ayon sa ulat ni Police Major Philipp Ines ng Public Information Office, sa Metro Manila, partikular na naglatag ng checkpoints sa bahagi ng mga boundary ng San Juan at Quezon City, at San Juan at Sta. Mesa, Manila.

Sa Mandaluyong, kapansin-pansin naman ang mga pulis sa pangunahing mga kalsada tulad ng Kalentong Street.

Samantala, sa Parañaque City, nagpatupad ng checkpoint sa Sucat Interchange malapit sa tanggapan ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Naglagay rin ng checkpoint sa Quirino Highway sa Quezon City.

Umapela naman ang pulisya sa mga motorista na makipagtulungan sa kanila at tiyakin na ipatutupad ang “plain view doctrine”.

Nangangahulugan ito na kailangan lamang ibaba ng mga sasakyan ang kanilang mga bintana at buksan ang kanilang ilaw sa loob ng sasakyan kapag dumaraan sa checkpoints.

(RENE CRISOSTOMO)

196

Related posts

Leave a Comment